Kinumpirma ng Israel na ilang matataas na opisyal ng Hezbollah, kabilang ang isang mataas na kumander militar, ang napatay sa isang air strike sa Beirut, Lebanon.

Ayon sa mga opisyal ng Lebanon, hindi bababa sa 14 na tao ang napatay at dose-dosenang iba pa ang nasugatan sa pag-atake na tumama sa masikip na lugar ng Dahieh, isang kuta ng Iran-supportadong grupo sa katimugang bahagi ng lungsod.

Sinabi ni Israel Defense Forces Daniel Hagari, na target talaga nila sa nasabing air strike si Hezbollah commander Ibrahim Aqil sa mga nasawi.

--Ads--

Nagkaroon ng kaguluhan habang nagmamadali naman ang mga emergency team sa pagliligtas sa mga nasugatan at hinahanap ang mga pinaniniwalaang nakulong sa ilalim ng mga guho.

Gumuho ang isang residential m building at marami pang iba ang lubhang nasira.