Bilang pagbibigay pugay kay Angelyn Aguirre sa kaniyang kabayanihan, sa pagdating ng kaniyang labi ay hinandugan siya ng Hero’s welcome sa kaniyang tahanan sa bayan ng Binmaley, kahapon.
Ito ay pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration sa pangunguna ni Hon. Administrator Arnaldo Ignacio kasama ang Department of Migrant Workers Ofiicer In charge Hans Leo Cacdac, OWWA Regioon 1 Regional Director Herardo Rimorin, Binmaley Local Chief Executive Hon. Pedro Merrera III, at Gov. Ramon Guico III kung saan sa maikling programa ay nakatanggap ang naulilang pamilya ng financial support na nagkakahalagang P220,000 at Livelihood Assistance na may halagang P15,000. Namahagi din ng P100,000 na tulong pinansyal ang pamahalaang panlalawigan.
Tiniyak ng OWWA na sasagutin ng kanilang ahensya ang funeral services at burial expenses ni Aguirre.
Tiniyak din ni Municipal Mayor Hon. Pedro Merrera III ang tulong na ibabahagi din ng lokal na pamahalaan sa pamilya ni Aguirre, gayundin sa mga iba pang Overseas Filipino Workers na nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
Dagdag din nito na nakipag ugnyan na din ang lokal na pamahalaan sa ahensya upang matutukan din ang mga kababayan na nasa ibang bansa.
TINIG NI MAYOR HONORABLE PEDRO MERRERA III
Samantala, sa isinagawang press conference kahapon ay napagdesisyunan ng pamilya ng pinaslang na Overseas Filipino Worker na ililibing na agad ang labi nito ngayong araw ng Linggo.