BOMBO DAGUPAN – Isang helicopter ang bumagsak sa bubong ng isang seaside hotel sa Cairns, Australia, nitong madaling araw ng Lunes, na ikinasawi ng piloto at sakay nito, ayon sa awtoridad.

Dahil dito ay daan-daang bisita at staff ng nasabing hotel ang inilikas matapos bumagsak ang helicopter sa gusali malapit sa Cairns Esplanade, isang waterfront boardwalk na sikat sa mga turista sa north Queensland city.

Ayon sa isang saksi nakita niya ang isang helikopter na lumipad nang napakababa sa ibabaw ng tubig at ito ay buong bilis.

--Ads--

Habang inilalabas niya ang kanyang telepono para kunan ito, lumihis ang helicopter at dumiretso sa kalapit na mga gusali.

Makalipas ang ilang segundo, tumama ito sa bubong ng isang hotel.

Ayon sa pulisya nakatanggap sila ng mga ulat bandang 1:50 ng umaga kaugnay sa pag-crash, na nagdulot ng sunog sa tuktok ng gusali.

Wala namang naiulat na nasugatan sa mga inilikas sa hotel subalit ang piloto at nag-iisang sakay nito ay idineklarang nasawi sa pinangyarihan ng insidente.