Sa kauna unahang pagkakataon ay dumanas ng pinakamatinding init ng panahon ang Portugal.
Ayon kay Michael Buenaventura, bombo international news correspondent mula sa Portugal, sa apat na taon na niya sa nabanggit na bansa ay ngayon lang nagkaroon na napakainit na panahon.
Unang pagkakataon aniya na umabot ng 42 degrees celsius ang temperatura dahil dati pinakamataas na ang 35 degrees celsius.
Sinabi ni Buenaventura, na dahil sa sobrang init ay bigla bigla na lang na nasusunog ang mga puno sa gilid ng kalsada.
Nabatid na summer season ngayon sa Portugal at nagsimula ang sobrang init ng panahon nitong nakalipas na Linggo.
Ang tanging ginagawa nila ay nagtutungo sila sa ilog para maligo.
Hindi na aniya magagamit ang aircon nila sa sasakyan dahil mainit ang sumisingaw.
Apektado rin ng sobrang init ng panahon ang kanilang trabaho sa factory.
Dahil sa sobrang init ay pinayagan na silang magtangal ng mask.