Matapos ang mga usap-usapan na may hidwaan sa pagitan nina aktress at fashion socialite Heart Evangelista at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Tinapos na ni Heart ang mga isyu at aniya “Woman to woman, I never had a problem with Pia”

Ito ang kanyang naging pahayag nang tanungin siya hinggil sa umano’y hidwaan nila ni Pia.

--Ads--

Ayon kay Heart naging fan at sinuportahan pa niya si Pia noon.

Kung saan matatandaang nagsimula ang isyu sa pagitan ng dalawa nang maging katrabaho ng beauty queen ang dating glam team ni Heart na umalis sa poder nito.

Subalit sa huli ay nagpaabot pa ng mensahe si Heart at binati niya pa si Pia sa pagpasok sa mundo ng fashion.