BOMBO DAGUPAN – Ilang taon na ang nakalipas mula noong kasagsagan ng Covid-19 ay hindi parin nakatatanggap ang lahat ng health workers sa ipinangakong health emergency allowances para sa kanila.
Ani Jao Clumia— Spokesperson, Private Healthcare Workers Network sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay dapat na kausapin ang Department of Health kung bakit ngayon ay hindi parin ito naibibigay gayong may nakalaan naman na budget ukol dito.
Dapat aniya na maisubmit ang mapping sa buong bansa para makita pa kung sino-sino ang hindi pa nakatatanggap.
Kaugnay nito ay dapat na magkaroon ng malawakang imbestigasyon ugnay narin sa malaking pondong nailipat sa DBM at marapat lamang na ito ay maibalik sa kaban ng bayan.
Samantala, patuloy naman ang kanilang grupo sa pakikipag-ugnayan gaya na lamang sa kanilang petisyon na dagdag P150 na sahod dahil aniya ay malaking bagay ito lalo na sa mga pamilya na may limang miyembro.
Sinabi din niya na patuloy na nangangalap ng datos para sa mga hindi pa nabibigyan at bukas ang kanilang tanggapan na makipag dayalogo.