Nagsagawa ng Health Care Mission ang lalawigan ng Pangasinan kaakibat ang Physicians for Peace Philippines sa pangunguna ng Provincial Government at ni Governor Ramon “MonMon” Guico III na idinaos sa bayan ng Binalonan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lyn Abanilla, Chief Operating Officer ng Physicians for Peace-Philippines, ang aktibidad na ito isang surgery mission na pinapalawak ang kanilang serbisyo sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang programa.
Kabilang sa serbisyong kanilang ibinibigay ay ang mobility devices tulad ng prosthesis, at wheelchairs.
Kanila ring idinagdag ang iba pang serbisyo gaya ng eye care services, hearing services, at women health care.
Samantala, inihayag naman ni Gov. Ramon “MonMon” Guico III ang kaniyang reaksyon ukol sa programa at maging ang iba pang detalye at impormasyon ukol sa kalagayan ng Health care sa probinsya.
Layunin ng programa na mabigyan ng libreng serbisyo ang mga mamamayang may sakit at nahihirapan lalo na kung kapos sa salapi.
Naisipang palawakin ang serbisyo sa [piklipinas, meron ng mobility devices tulad ng walkers, nag extend na rin ng eye care services.