Dagupan City – Dikit na ang laban ng dalawang aspiring US President na sina US Vice President Kamala Harris at Former US President Donald Trump.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Zaldy Tejerero, Bombo International News Correspondent sa Florida, USA, resulta ito ng biglaang paghabol ni Donald Trump sa estate bet.

Dahilan upang mangamba naman umano aniya ang mga democrat sa agarang pagtaas ng boto sa representante ng republican.

--Ads--

Matatandaan kasi na nauna nang nanguna si Harris sa survey poll noong mga naunang araw ng botohan.

Isa naman sa nakikitang dahilan ni Tejerero kung bakit mabilis na humabol si Trump ay ang binitawang salita ni US President Joe Biden kung saan ay tinawag niyang mga “garbage” ang mga sumusuporta kay Trump.

Dahil dito, mas marami tuloy aniya ang nagpakita ng suporta sa republican candidate.

Sa kasalukuyan naman patuloy namang pinag-aagawan ng dalawa ang mga swing states na kinabibilangan ng Arizona, Georgia, Michigan, Nevada, North Carolina, Pennsylvania at Wisconsin.