Tiniyak ng Manaoag PNP na magiging maayos, ligtas at payapa ang magiging halalan 2022.

Ayon kay PMaj. Fernando Fernandez Jr. ang siyang Chief of Police ng Manaoag PNP na buong pwersa ang kanilang hanay sa pagbabantay sa bayan para masiguro na magiging maayos at ligtas ang lahat ng lalahok sa botohan.

Malaking tulong umano ang mga naiaugment na pwersa para sa karagdagang pagbibigay seguridad sa kanilang bayan maging ang nabuong mga grupo na siyang magreresponde sa mga kaguluhang maitatala sa panahon ng eleksyon.

--Ads--

Sa kabuuan ay nananatiling mapayapa ang kanilang bayan ngayong panahon ng eleksyon kaagapay na rin aniya ang iba pang mga ahensya ng gobyerno para sa pagbabantay sa labingsiyam na polling centers sa naturang bayan.

Aniya sa nakalipas na mga taon ay walang napaulat na mga kaso ng matinding labanan sa pagitan ng mga kandidato at nananatiling tahimik ang kannilang bayan sa nakalipas na mga araw dahil wala silang naitatalang anumang insidente ng karahasan.

TINIG NI PMAJ. FERNANDO FERNANDEZ JR.

Sa kasalukuyan ay wala pa naman umanong dumudulog sa kanilang himpilan patungkol sa mga kaso ng vote buying bagaman may natatanggap na silang mga sumbong sa kani-kanilang mga social media accounts na agad naman umano nilang nirerespondehan.

Inaasahan din aniyang magpapatuloy ito hanggang sa makaboto ang bawat residente kung kaya’t panawagan nito sa publiko na makiisa sa lahat ng mga panuntunan at huwag magatubiling magsumbog sa kanilang hanay sakaling may makita silang anumang kaso ng paglabag eleksyon 2022.