Ikinatuwa ng hanay ng mga tricycle drivers sa lungsod ng Urdaneta ang anunsiyong bigitme rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa darating na Martes.

Ayon kay Ramon Ramos ang siyang President ng TODA Urdaneta, na malaki ang magiging epekto sa kanilang maiuuwing kita oras na maipatupad ang halos anim na pisong pagbaba sa presyo ng langis.

Aniya na dahil sa naging lingguhang pagtaas ng presyo ng naturang produkto, marami sa kanilang hanay ang napilitang tumigil sa pagpapasada kung kaya’t sa oras na bumaba na ang presyo nito ayu tiyak na makapanghihikayat ito sa mga draybers para muling mamasada.

--Ads--

Dagdag nito na malaki rin ang naitulong ng pag-apruba sa 20 pesos na minimun fare sa kanilag bayan na aniya’y makalipas ang labing walong taon ay ngayon lamang nila hiniling na magkaroon ng dagdag na pitong pisong dagdag pamasahe.

Aniya na wala silang natatanggap na anumang reklamo hinggil rito bagkos ay nauunawaan umano ng komyuters ang naturang dagdag sa pamasahe.

Sa kasalukuyan ay umaabot na rin umano sa P250-300 ang naiuuwi nila sa kanilang pamilya at umaasa silang mas lalaki pa ang kanialng kikitain sa oras na maisakatuparan na ang bawas presyo sa petrolyo.

Panawagan naman nito sa gobyerno ang tuluyang solusyon sa mataas na presyo ng porduktong langis para tuluyan na ring bumaba ang matataas na presyo ng mga bilihin at makamit ang kaluwagan sa mga Pilipino.

Samantala sa ngayon ay hinhintay na lamang umano nila ang tuluyang paghahatid ng cash subsidy na naipangako sa kanila ng nakaraang administrasyon.