DAGUPAN CITY- Magandang hakbang umano ang paghain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng halos P50 million Tax Evasion laban sa may-ari ng Wawao Builders na may kaugnayan sa Flood Scam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Mark Anthony Baliton, Political Analyst, aniya, ipinapakita nito ang sinserong kilos ng gobyerno upang labanan ang mga nagnanakaw sa pera ng bayan.

Aniya, umaasa siya na matupad ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at maharap sa criminal prosecution ang mga sangkot sa kurapsyon.

--Ads--

Bagaman nalipasan na ng kapaskuhan at bagong taon ang nasabing pangako ngunit mas mabuti na lamang na matiyak ang tamang proseso at matibay na pagsasampa ng kaso nang hindi minamadali.

Inaasahan ni Baliton na mas maisasakatuparan pa ng gobyerno ang kanilang tungkulin at mabigyan ng magandang resulta ang mga isinagawang imbestigasyon.

Samantala, dapat lamang aniya bigyan ng pagpupugay ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) pagkatapos magawa ang kanilang tungkulin.

Binigyan linaw naman ni Baliton na naiiba ang tax avoidance sa tax evasion sapagkat ito ay pinapayagan ng batas.