Umabot na sa P49.82-billion halaga ng mga iligal na droga ang nasawata ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng anti-drug campaign ng Administrasyong Marcos.
Mula July 2022 hanggnag Setyembre 30 ng kasalukuyang taon, umabot na sa 6,481.16kg ng shabu, 75.69 kg ng cocaine, 115,081 piraso ng mga ecstasy tablets, at 5,626.80 kg ng marijuana ang kanilang nahuhuli.
Lumabas din sa kilang records na 114,892 drug suspects na ang kanilang naaaresto kabilang na ang 7,364 high-value targets sa 84,676 operations na kanilang isinagawa sa buong bansa.
Nasa kabuoang 1,181 drug dens at mga nakatagong shahu laboratory ang kanilang napasara sa parehong period.
Samantala, 29,211 sa 42,000 na mga barangay sa buong bansa ang naideklara nang “drug-cleared” at 6,292 naman ang pinoproseso na.