Umaabot na sa 398 na katao ang sumailalim sa rapid testing dito sa lungsod ng Dagupan para masuri ang mga suspect o may probable confirmed case ng covid 19.

Ayon kay Dra. Ofelia Rivera, focal person ng covid – 19 sa lungsod, prioridad nila ang mga front liners at mga family members na naexposed sa mga taong nagpositibo sa covid 19.

Nabatid na nasa 1,000 kits ang nabili ni Dagupan City Mayor Bryan Lim na gagamitin sa rapid testing gamit ang 8 buwan nitong sahod.

--Ads--

Samantala, aminado ang opisyal na bahagyang tumaas ang bilang ng person under monitoring o PUM at patient under investigation o PUI sa lungsod.

Pero paglilinaw nito na ang mga nadagdag ay mga galing sa ibang lugar partikular sa Metro Manila.