Umaasa ang hanay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Calasiao na kanilang makakamtam ang kanilang tentative target goal collection na halos 5.6 billion pesos para sa taong 2023 na mas mataas ng 15% sa kanilang nakolekta noong nakaraang taon.
Ayon kay Aldrin Camba ang siyang Chief Revenue Officer III, Officer In Charge Revenue District Officer ng BIR Calasiao, na noong taong 2022 ay umabot sa 4.9 billion pesos ang kanilang nalikom kung saan ay nalagpasan ang target nito na nasa 3%.
Magiging malaking hamon aniya kung papaano maaabot ng kanilang ahensya ang naturang tax rate lalo na’t nagkaroon ng reduction taxes sa compmensation o sahod ng mga manggagawa at maging sa individual tax rates.
Kaugnay nito ay inilunsad nila ngayong araw ang isang Caravan na naglalayong paalalahanan ang publiko sa tamang pagbabayad ng kanilang mga buwis kung saan ay tatagal ito hanggang Abril 17.
Dagdag pa nito na kasabay sa inilunsad na aktibidad ngayong Martes ay maigting ding ipagpapatuloy ang kampanya sa pagbibigay impormasyon sa mga tax payers sa pamamagitan ng mga seminars at webinas patungkol sa pagbabayad ng kani-kanilang mga obligasyon sa gobyerno, pamamahagi ng mga flyers patungkol sa naturang usapin.
Sa ganitong paraan aniya ay mahihikayat ang publiko na magbayad ng maaga ng kanilang mga buwis.
Pagsasaad pa nito na tuloy tuloy din ang kanilang mga electronic services upang mas mapadali ang mga transaksyon ng bawat residente sa BIR.