DAGUPAN CITY- Umabot na sa 283 katao mula sa 88 pamilya ang inilikas sa evacuation center ng Brgy. Bonuan Gueset dahil sa baha na umaabot na sa dibdib sa ilang lugar.

Ayon kay Barangay Population Worker Leylani Balolong, unang lumikas ang mga taga-Sitio Maligaya, at ngayon ay may anim na zone na ang nasa evacuation center.

Nananatiling maayos ang kalagayan, habang patuloy ang pamamahagi ng gamot ng City Health Office laban sa leptospirosis at iba pang sakit dulot ng baha.

--Ads--

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga evacuee, ayon sa barangay.

Paalala ng mga opisyal, manatiling alerto at makinig sa mga abiso mula sa lokal na pamahalaan upang masigurong ligtas ang lahat sa gitna ng patuloy na masamang panahon.