Ramdam na rin ng mga Pilipino sa Ukraine ang tensyon at pag-aalala kaugnay sa kaguluhan doon sa pagitan nila ng Russia.


Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International News Correspondent kay Marcelino Aquino nag umpisa na ang pag-atake ng Russia sa Ukaraine kung saan apat na sundalo ang nasugatan at 2 ang nasawi.


Dagdag pa ni Aquino na 28 mga Pinoy na ngayon ang nagtungo na ng West Ukraine at inaasahan na madadagdagan pa ito para matiyak ang kanilang kaligtasan doon lalo aniya at hanggang ngayon ay nanatili rin ang defense line ng Ukraine sa kanilang border.

--Ads--


Tiniyak din umano ng Philippine Embassy na sakaling uminit pa ang sitwasyon ay magkakaroon ng paglilikas sa mga Pilipinong maaring maipit sa kaguluhan.

Makikiusap umano sila sa Polish Government para doon magtungo bago mag exit papunta naman ng bansang Pilipinas.