DAGUPAN CITY–Umaabot sa P189,539 , kabuuang halaga ng illegal na paputok na nakumpiska sa buong region 1.

Mula sa apat na probinsiya ng Region 1, nakumpiska ang mga illegal na paputok na may kabuuang halaga na P189, 539 na resulta ng operasyon na isinagawa ng mga awtoridad sa nabanggit na rehiyon.

Ayon kay PBGEN JOEL S ORDUÑA, Regional Director, Police Regional Office 1 (PRO1), sa kabuuan ay mapayapa at walang naitalang krimen sa pagdiriwang ng bagong.taon sa region 1.

--Ads--

Mayroon lamang naiulat na 43 biktima ng firecracker related incidents, 4 na kaso ng indiscriminate firing (3 civilians and 1 CAFGU- civilian armed forces geographical unit) at 1 stray bullet incident sa Laoag City na isinuko din sa PNP personnel mula December 16, 2019 hanggang january 2, 2020 sa buong region 1.

Nabatid din kay PBGEN Orduna na 15 ang naaresto habang 3 ang kasalukuyang pinaghahanap pa dahil sa paglabag sa Republic Act 7183 at Executive Order No. 28.