Halos nasa 100 mga Pilipino sa Mandalay, Myanmar ang inilipat sa Yangon ngayon liggo matapos ang pananalasa ng 7.7 Magnitude Earthquake sa nasabing bnasa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa kabuoang 171 na mga Pilipino sa Mandalay, 97 sa mga ito ang hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na ilipat sa Yangon, ang pinakamalaking syudad sa Myanmar.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang embahada ng Pilipinas upang magkaroon ng mga masasakyan bus ang mga Pilipino.

--Ads--

Ani DFA Undersecretary Eduardo De Vega, hindi pa ligtas ang sitwasyon sa Mandalay kaya mas mabuting mailipat sila sa Yangon kung saan hindi gaano naapektuhan ng malakas na lindol.

Sinagot naman ng DFA ang shelter na pananatilihan muna ng mga Pilipino.

Samantala, ayon naman kay DFA Director Catherine Alpay, 120 naman sa nasabing kabuoang bilang ng Pilipino ang ligtas mula sa pagyanig habang 4 naman ang patuloy pang pinaghahanap.