Inaasahang tatapusin ng mga oil companies ang buwan ng Oktubre na may halo-halong paggalaw sa presyo ng petrolyo, pagkatapos ng rollback noong nakaraang linggo.
Maaaring walang galaw ang presyo ng gasolina o maaaring tumaas ng hanggang P0.20 kada litro, habang ang diesel ay inaasahang tataas ng P0.50 kada litro.
Samantala, ang presyo naman ng kerosene ay magkakaroon ng pataas na paggalaw mula P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Ayon sa Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay posibleng naimpluwensyahan ng tumataas na pangangailangan ng gasolina kamakailan sa South Korea.
Idinagdag din nito na ang pag-atake sa pagitan ng Israel at Iran ay maaaring magpalala sa pagtaas ng presyo.
Ang mga huling pagsasaayos ng presyo ay iaanunsyo tuwing Lunes at magkakabisa sa Martes.