DAGUPAN CITY- Naghahanda ng Halloween party ang mga Finnish tuwing araw ng mga patay upang gunitain ito subalit, hindi ito ang araw na pagdalaw nila sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa sementeryo.
Ayon kay Mhaye Blacer Fajanela, Bombo International News Correspondent sa Finland, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, tuwing December 6 ang kanilang pagdalaw bilang bahagi ng paggunita ng kanilang Independence Day.
Gayunpaman, bilang ‘darkest month of the year’ ang November sa kanilang bansa, may mga in-door events na inihanda para sa mga kabataan.
Habang ang mga Filipino Community naman sa nasabing bansa ay dumadalo sa mga inihandang event services ng simbahan.
Ito ay bilang pagsunod sa kanilang paniniwalang ‘maging liwanag sa lahat’.
Samantala, ibinahagi rin ni Fajanela na nami-miss niya rin ang nakagawian ng mga Filipino sa Pinas kung saan nagsasama-sama ang magpapamilya, naghahahanda ng pagkain, at sama-samang bibisita sa sementeryo.










