BOMBO DAGUPAN – Isang anti poor policy ng gobyerno ang Half-cup rice’ bill.

Ito ang tahasang pahayag ni Cathy Estavillo, spokesperson ng grupong Bantay Bigas, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan kaugnay sa isinusulong ng Department of Agriculture (DA) na pagpapatupad sa half-cup rice sa mga restaurant bilang tugon sa mga naaaksa­yang kanin.

Ayon kay Estavillo, sa kanyang oberbasyon sa mga karindeya bagamat hindi nagtaas ng presyo ng kanin pero ngayon ay hindi na siksik at binawasan naman ang serving.

--Ads--

Kung half rice ang iseserve ay mas tataas aniya ang budget para sa pagkain dahil hindi na magiging sapat ang half rice sa kanila.

Sa katunayan ay maraming kababayan ang hindi nag aalmusal at pinag iisa ang almusal at tanghalian.

Kung gagawin aniyang batas iyo ay palawakin ang research at mag -interbyu sa mga ordinaryong mamamayan na kumakain sa mga karindrya kung tama ang panukala o gumawa ng batas na magpapababa sa presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Kung may nasasayang na pagkain ay nangyayari umano ito sa mga malalaking restoran.

Matatandaan na sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, tugon ito ng ahensiya bagama’t bumaba ang data ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa 255,000 metric tons ang household rice was­tage sa bansa noong 2019, mababa ito sa 340,000 metric tons na nasasayang na bigas noong 2009.

Ani Laurel, kahit na may improvement sa pagbaba ng nasasayang na bigas, kailangan pa ring umaksyon hinggil dito dahil ang nasasa­yang na bigas ay dapat sanang maipakain sa 2.8 milyong Pinoy kada taon.

Ang “half-cup rice” initiative ay panukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2013 upang maipakain ang mas konting bahagi ng bigas upang maiwasan ang pagkasa­yang ng butil.