Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, ang halalan sa pagkapangulo ng Sri Lanka ay magkakaroon ng ikalawang round ng pagbibilang matapos ni isang kandidato ang nanalo ng higit sa 50% ng boto.
Sa ngayon ay bibilangin ng komisyon sa halalan ang pangalawa at pangatlong pagpipilian ng mga botante para sa pangulo kung saan ay hiniling sa mga tao na markahan ang hanggang tatlong kandidato ayon sa kagustuhan.
Ang unang round ay pinangungunahan ni Anura Kumara Dissanayake, isang leftist politician na may 42.31%. Ang pinuno naman ng oposisyon na si Sajith Premadasa ay nasa pangalawang puwesto na may 32.76%.
Sa isang press conference, sinabi ng komisyon sa halalan na ang lahat ng iba pang mga kandidato bukod kina Dissanayake at Premadasa ay tinanggal na sa pagpipilian.
Susuriin naman sa ngayon ang mga balota ng mga tinanggal na kandidato para makita kung ang pangalawa o pangatlong preperensiyang boto ay ibinigay sa dalawang nangunguna.
Samantala, upang maideklarang panalo nakasaad sa batas sa halalan ng Sri Lanka na ang isang kandidato ay dapat manalo ng 50% kasama ang isang boto.