Naging maayos, tahimik, at malinis ang idinaos na halalan sa bayan ng Paniqui Tarlac sa kabila ng ilang paglabag.
Kung saan nanatiling mapayapa ang sitwasyon sa buong araw ng botohan.
Ayon kay Pltcol Sean Logronio, nasa apat na indibidwal ang naitala na lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections.
Agad silang sinampahan ng kaukulang kaso bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng batas-eleksyon.
Bilang bahagi ng seguridad, dalawang personnel ang itinalaga sa bawat polling precinct upang tiyakin ang kaayusan at kaligtasan ng mga botante.
Samantala, naglunsad rin ng mas pinaigting na roving patrols ang Paniqui PNP sa buong bayan.
Layunin nito ang agarang pagresponde sakaling magkaroon ng anumang aberya o insidente.
Sa kabila ng ilang paglabag, itinuturing na matagumpay ang halalan sa Paniqui.
Patunay ito na sa kabila ng mga hamon, nananaig pa rin ang disiplina at kooperasyon ng mamamayan para sa isang mapayapang pagboto.