Idineklara ng Pangasinan Provincial Police Office na generally peacefull ang lalawigan sa katatapos na 2019 midterm elections.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pangasinan Police Provincial Office (PPO) Director Police Colonel Wilson Lopez, sinabi nito na walang naitalang karahasan sa buong araw ng halalan kahapon.

Aniya, maliban sa ilang “minimal disruption” ay naging matagumpay ang mga inilatag na paghahanda sa peace and order situation ng mga kapulisan dito sa probinsya.

--Ads--

Wala din aniyang naitalang insidente na may kaugnayan sa eleksyon.

Inihayag din nito na bagama’t inilagay sa ilalim ng orange category o “Election Areas of Immediate Concern” ang syudad ng Alaminos, mga bayan tulad ng Sual, Urbiztondo at Sto. Tomas dahil sa naging mainit ang labanan ng mga kandidato, wala naman umanong naitalang bayolenteng pangyayari bagkus ay napanatili at nangibabaw pa rin ang kaayusan sa mga nabanggit na lugar.

Pinasalamatan naman ni Lopez ang publiko dahil sa pakikiisa ng mga ito upang makamit ang malinis at payapang halalan sa Pangasinan.