DAGUPAN CITY- Mapayapa at maayos ang kabuoang halalan ang naranasan sa bayan ng Tayug noong nakaraang halalan, May 12.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Estrella Cave, Commission on ELEctions (Comelec) Tayug, nakapagtala sila ng maraming senior citizen na bumoto sa early vote schedule (5AM-7AM).

Aniya, nakitang pagkakataon na rin ito ng mga assistors ng mga senior cittizen para makaboto na rin nang maaga.

--Ads--

Hindi rin nakaranas ng malaking problema sa Automated Counting Machine (ACM) ang kanilang bayan at iilan lamang ang naitalang maliliit na problema.

Matapos ang botohan, nagawa nilang makapag-transmit agad ng mga bilang ng boto, maliban lamang sa mga barangay na nakaranas ng matinding pag-ulan.

Umabot naman sa 92% ang kanilang kabuoang turn out voters.

Samantala, inaasahan nila Cave na matatapos din ngayon araw ang pagbibigay ng sahod sa mga poll workers.

Nagpaalala naman siya sa mga kandidato na obligasyon nilang tanggalin ang mga ipinaskil na campaign materials bilang pagsunod sa kautusan ng Comelec.