Umabot na sa P3.3-billion halaga ang nasalanta ng Bagyong Kristine sa halos 38,000 paaralan sa buong bansa.
Lumalabas sa partial data ng Department of Education (DEPED) sa naging epekto ng bagyo, maaaring abutin ng P2.7-billion halaga upang ma-reconstruct ang mga silid-aralan na nasira ng bagyo, at karagdagang P680-million para sa malaking pagsasaayos.
Umabot naman sa 2,700 na mga silid-aralan ang tuluyang nasira ni Kristine, habang 1,361 naman ang partially damaged.
Nasa 861 na paaralan naman ang naitalang nakaranas ng secondary hazards tulad ng pagbaha at landslide.
Sa kabuoan, nasa 38,333 na mga paaralan sa buong bansa ang kailangan magsuspende ng face to face classes dahil sa iniwang pinsala ng bagyo kung saan nasa 19.4 million na mag-aaral at 786,726 na mga teaching at non-teaching personnel ang naapektuhan.