Dagupan City – Mga kabombo! Naranasan niyo na bang umakyat sa puno?

Paano kung sa flagpole naman? Tila ba mala- spider- Ma’am ang atake ng isang guro, matapos na mag-agaw eksena at viral sa social media ang isang guro matapos na umakyat ng flagpole para palitan ang naputol na lubid nito sa Sabtang, Batanes.

Ayon sa ulat, kinilala ang guro na si Teacher Carol Baro kung saan ay inakyat umano nito hanggang sa tuktok ng flagpole na suot pa ang kaniyang school uniform.

--Ads--

Diskarte kung diskarte, dahil para hindi na bumbaba pa, itinali ng guro ang ikakabit na lubid ng flagpole sa kaniyang baywang.
Pagkatapos nito, naging matagumpay ang flag ceremony ng mga estudyante.