BOMBO DAGUPAN – Nananawagan ang Gunless Society of the Philippines kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin ang implementasyon ng Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act) na nagpapahintulot ng pagmamay-ari ng semi-automatic rifles sa mga sibilyan sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Norman Cabrera, presidente ng Gunless Society of the Philippines, hindi pinag aralan ng mabuti ang nasabing hakbang at magbibigay pangamba sa nakakarami.
Aniya, ang tunay na malaking isyu sa bansa ay ang illegal at loose firearms kaya marapat na ito ang masawata.
Iginiit ni Cabrera na dapat unahin ang seguridad ng publiko dahil tiyak nadarami ang krimen hanggang hindi nasasawata ang mga ilegal na mga baril.
Pahayag pa nito, noong 2012, nakapagtala ang Pilipinas ng pitong libong indibidwal na namatau dahil sa baril sa boung mundo.
Ikinakatakot pa nito na baka mangyari sa bansa ang nagaganap na mass shooting sa Estados Unidos dahil sa kawalan ng polisiya sa gun control.
Una nang iginiit ng PNP na ang pagmamay-ari ng sibilyan sa semi-automatic rifles ay nakasaad sa inamyendahang ilang implementing rules and regulations ng Republic Act 10591.
Ito anila ay sumailalim sa masusing pag-aaral ng technical working group ang ilang probisyon kaya naaprubahan ang IRR.
Samantala, naniniwala si Cabrera na hindi ito aaprobahan ng PNP kung walang basbas o utos mula sa MalacaƱang.