Dagupan City – Pinaghahandaan na ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang programa na Election Gun Ban na isasagawa mula Enero 12 hanggang Hunyo 12, 2025.
Ayon kay PCol. Rollyfer Capoquian – Provincial Director, Pangasinan PPO, bagama’t palagi na nila itong pinapaalala sa mga kapulisan, mas bibigyang diin ngayon ang Gun ban kaugnay sa nalalapit na eleksyon.
Sa pangunguna ng kanilang tanggapan katuwang ang mga law enforcers ay nagpapatuloy ang pangangampaniya ng mga sa loose firearms.
Samantala, bukod naman sa Elcetion Gun Ban, nakatakda ring magsagawa ng Oplan Bakal at checkpoints ang ahensya na layuning makatulong at sumusporta sa pagtutok ng mga illegal firearms.
Sa katunayan aniya, naka-depoy na ang lahat ng kapulisan sa lalawigan at inaalisa na rin ang mga bayan o lubngsod na maaring mapabilang sa mga areas of concern ngayong eleksyon 2025.