BOMBO DAGUPAN- Nagmistulang collection para sa iang lalaki sa Idaho, sa Estados Unidos ang magkaroon ng maraming Guinness World Records kung saan ang higit 180 records ay patuloy niyang dinaragdagan.

Para sa panibagong record ni David Rush o mas kilala sa pangalan na Record Breaker Rush sa Youtube, sinubukan niyang kunin ang titulo para sa may pinakamaraming naiputok na mga lobo sa pamamagitan ng pagsuntok nito nang may boxing gloves.

Ang oriihinal na record nito ay nagawang paputukin ang 33 lobo sa loob lamang ng 1 minuto.

--Ads--

Subalit nahigitan na ito agad ni Rush sa kaniyang pag eensayo pa lamang kung saan 37 ang kaniyang nagawang paputukin sa nasabing oras. At bago ang kaniyang official attempt, 68 lobo ang kaniyang naputok sa loob ng 1 minuto.

Gayunpaman, hindi pa riyan nagtatapos ang kaniyang nakakamanghang pagkuha ng titulo dahil sa kaniyang official attempt, nasa kabuoang 327 na mga lobo ang kaniyang nagawang paputukin.