‘Paconsuelo de bobo’
Ito ang naging reaksyon ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa anunsiyo ng mga oil companies sa inaasahang rollback sa darating na Martes kung saan aabot sa P2.80-2.90 ang bawas sa kada litro ng diesel habang P0.10 naman sa kada litro ng gasolina.
Ayon kay George San Mateo ang siyang President Emeritus ng naturang grupo na hindi aniya maituturing na malaking ginhawa ang pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo dahil
babawiin lamang umano ito mga susunod na linggo.
Aniya na dapat lamang palakasin ang pangangalampag nating mga Pilipino para magsilbing ‘public pressure’ na magreresulta para agarang pagtalima ng pamahalaan sa naturang isyu.
Sa ngayon kasi ay pawang mga draybers lamang ang gumagawa ng mga offline protests kaya naman nararapat laamng umano na mas ingayan pa ang naturang isyu ng makita umano ng pamahalaan ang tunay na pangangailangan ng mga mamamayan.
Hindi rin umano maituturing na sagot ang service contracting sa pagtulong sa kanilang hanay bagkos ay dapat aniya silang pakinggan ng pamahalaan sa tunay na sagot sa walang humpay na pagtaas ng langis.