Dagupan City – Nangangamba ngayon ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators ng Pilipinas (PISTON) sa bantang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mody Floranda, Presidente ng grupong PISTON, kaakibat kasi ng napaulat na pagbaba sa presyo ng petrolyo ay ang banta naman ng pagtaas nito.

Kung matatandaan kasi niya, tumaas ang presyo ng petrolyo noong buwan ng enero ng nasa P13 hangang P14 kada litro.
Kaya’t malinaw aniya na ang nangyayari ngayon ay mas marami pa rin ang nagging pagtaas kaysa sa nagging pagbaba.

--Ads--

Nito lamang lingo inilabas ang pagtataya ng oil industry sources na maglalaro na sa P2.00 hanggang P2.20 ang tapyas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroon ding tinatayang P0.50 hanggang P0.70 na rollback sa kada litro ng diesel at P0.70 hanggang P0.90 na bawas sa kada lito ng kerosene.