Dagupan City – Nanawagan ang grupong PISTON sa publiko na suportahan ang karapatan ng mga tsuper.

Ayon kay Mody Floranda, Presidente ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators ng Pilipinas (PISTON) bagama’t tuloy-tuloy pa rin ang biyahe ng mga traditional jeepney sa bansa, ay hindi pa rin nila maiwasang mangamba.

Bukod dito nauna nang binigyang diin ni Floranda kung bakit gano’n na lamang ang pahayag ng Department of Tranportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga tsuper na aalisan sila ng prangkisa kapag hindi sumailalim sa consolidation ngunit malinaw naman sa napagkasunduan sa Department order no. 2023-022: guidelines on the implementation of public transport modernization program na hangga’t walang Route rationalization ang mga ito ay hindi pwedeng tanggalan ng prangkisa ang mga traditional jeepney.

--Ads--

Kaugnay nito, inilarawan naman ni Floranda na isang uri ng pagmo-monopolyo sa mga stuper ang ginagawa ng pamahalaan dahil naalisan sila ng Karapatan at mas pinapalubog lamang nito ang mga traditional transportation o local sa bansa.

Sa kasalukuyan, inaantay pa rin ng kanilang grupo katuwang ang iba pang sector ang desisyon ng korte sumprema at house resolution kaugnay sa nasabing usapin.

Panawagan naman nito sa hanay ng transportasyon, patuloy na manindigan upang mapanatili ang indibidwal na prangkisa sa mga stuper at para naman sa mga mamamayan ay suportahan aniya ang PUV sa layuning mapanatili ang murang serbisyo sa bansa.