DAGUPAN CITY — Kinilala hanay ng transportasyon ang pagkakatalaga kay former Land Transportation Office (LTO) chief Teofilo Guadiz bilang panibagong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mody Floranda, President ng grupong PISTON, sinabi nito na dati na rin silang nakipagtalastasan kasama ang naturang opisyal hinggil sa mga isyu at iba pang mag suliranin na kinahahaap ng hanay ng transportasyon ng bansa noong ito ay nanunungkulan pa lamang bilang LTO chief.
Kaugnay nito aniya ay handa naman sila na muling makipag-diskusyon at makipagtalakayan kasama si Guadiz kaugnay pa rin ng iba’t bang suliraning kinahaharap ng hanay ng transportasyon sa kasalukuyan, partikular na ang ilang isyu sa ilalim ng binabalangkas na Jeepney Modernization Act sa ilalim ng Department Order 2017-011 o Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance.
Ani Floranda na sa diskursong ito ay muli nilang ilalapit sa panibagong LTFRB chairman ang kanilang posisyon na sana ay respetuhin at kilalanin ng naturang opisyal ang isyu na matagl ng hinaharap ng sektor ng transportasyon.
Umaasa rin naman ang kanilang hanay na kakayanin ding harapin at kagyat na makatugon si Guadiz sa ilan pang mga usapin kaugnay naman ng Local Public Transport Route Plan, patikular na ang kahilingan ng mga drayber na maibalik ang mga dati at lehitimo na mga ruta.
Kaugnay nito ay ipinasalamat naman ni Floranda ang Republic Act No. 4136 na nagkaloob sa mga drayber at operator ng pagkakataon na mag-ari ng kanilang mga prangkisa sa loob ng 5 taon at i-renew ang mga ito hangga’t nasa maayos na pag-sunod ang mga ito.