Hindi sinang-ayunan ng maliliit na mga mangingisdang grupo na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. na ito ay mananatili pa rin sa panunungkulan niya bilang sekretarya ng Department of Agriculture (DA).

Base sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, ang Chairman ng naturang ahensya, hindi dapat nararanasan ng mga Pilipinong magsasaka ang mga umiiral na problema sa sektor ng agrikultura katulad na lamang ng hindi pagkakaroon ng sariling lupang sakahan ng mga ito.

--Ads--

Bagay aniya na hindi gaanong natututukan ng kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas.

Sa tagal na umanong naging kalihim sa nasabing ahensya ng Pangulo ay nananatili pa rin ang mga nararanasang problema magpahanggang sa ngayon katulad na lamang ng talamak na agri smuggling.

Tinukoy din nito na imbes na pagtuunan ng pansin ng pangulo ang pangunahing problema sa naturang sektor ay mas minadali pa nito ang pagtatayo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na hindi naman talaga mapapakinabangan ng mamamayang Pilipino.

Binigyang diin pa nito na talagang walang kapasidad ang Pangulo na lutasin ang mga malalalang problema sa sektor.