Dagupan City – Namahagi ang grupong lions international district 301-C northern Philippines mula sa iba’t ibang bayan ng relief goods para sa mga pamilya na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at habagat.
Ayon kay Josehine P. de Leon – District Governor ng Lions District 301C Northern Philippines, adhikain ng kanilang grupo na makapagbigay ng tulong para sa mga mamamayan hindi lamang sa mga iba’t ibang mga okasyon kundi pati na rin sa anumang kalamidad.
Kung mapapansin kasi aniya, maraming mga residente sa lugar ang pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers, hindi makapag-hanapbuhay, at lubog sa baha ang mga kabahayan.
Kung kaya’t sa ganitong paraan ani de Leon ay naipapakita nila ang kanilang malasakit sa kapwa.
Kabilang naman sa mga ipinamamahagi nilang relief ay bigas, mga delata, noodles, gatas at iba pa.
Sa kabuuan, umabot na sa 200 na mga relief goods ang kanilang ipinamamahgi sa mga iba’t ibang brgy. dito sa lalawigan ng Pangasinan.