Nagbabala ang grupong Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), hinggil sa panibagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Ginawa ni Dr. Aileen Riel-Espina, Public health specialist at miyembro ng steering committee ng HPAAC, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, matapos ang unti-unting pagkalat ng Omicron variant.
Paliwanag ni Espina, nakakabahala ang Omicron dahil tila pinagsama-sama ang mga characteristic ng Alpha, Beta at Delta Variants ng COVID-19 bukod pa sa pagkakaroon nito ng sarili niyang katangian.
Kasunod nito, iginiit ni Espina, na hindi dapat na magpakakampante ang Gobierno at publiko hinggil sa paglaban natin sa COVID-19 dahil malinaw na aniya na hindi pa ito tapos lalo at natural lamang sa isang virus na magkaroon ng mutations at variants.
Samantala, kinumpirma ni Espina na gumagawa na ng hakbang ang gobierno ng Pilipinas upang matukoy kung nakapasok na ang panibagong variant ng COVID-19 na Omicron.
Sinabi Espina, na kasalukuyan na ngayong tinitukoy ang mga may travel history sa bansang South Africa at sa mga bansa kung saan na nakita ang presensya nito.
Lalo at nakakatakot aniya na maas mabilis pa ang pagkalat nito kesa sa Delta Variant at naitala narin ito sa iba pang mga bansa at ang pinakamalapit ay sa bansang Hong Kong.