Hindi na umaasa ang grupong Bantay Bigas na babagsak ang presyo ng bigas sa bansa.
Ayon kay Cathy Estavillo, spokesperson ng Bantay Bigas, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, malayo at wala sa pangako na bababa ang presyo ng bigas sa buwan ng Okubre at sa buwan ng Enero kapag ipinatupad ang Executive Order 62.
Aniya, sa monitoring nila ay nananatili sa P50 kada kilo ang pinakamababang presyo ng bigas at kung mayroon man P45 ay ilan lang o sa isang outlet o isang retailer lang.
Pinuna ni Estavillo ang halos buwan buwan na binabanggit ng gobernyo at ng Department of Agriculture na babagsak ang presyo ng bigas dahil sa pagbaba ng taripa mula 35 percent ay hanggang 15 percent nalang pero halos tatlong buwan na aniya mula ng ipinatupad ito ay wala pa silang nakikitang pagbaba ng presyo.
Dagdag pa nito, kahit sa mga karanasan sa mga nakalipas na mga taon kasabay ng anihan ang malaking importasyon ng bigas ay hindi pa rin nararamdaman ang harvest season dahil sa tuloy tuloy na napakataas na presyo ng bigas.
Ang dahilan aniya ng mataas na presyo ng produkto ay monopolyo ng mga retailers, millers at importers ang presyuhan ng bigas.
Dagdag pa nito na ikinababahala ng mga magsasaka na tuloy tuloy na pag ulan.
Nanawagan naman ito sa National Food Authority na bilhin sa mataas na presyo ang ani ng mga magsasaka para hindi sila malugi.
Ang pahayag ng grupo ay taliwas sa pahayg ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel, Jr. na tinatayang magsisimula na ang pagbaba ng presyo ng bigas sa susunod na buwan na resulta ng import tariff cut at ang full impact umano ng pagbaba ng taripa ay maaari aniyang maramdaman sa buwan ng Enero sa susunpf na taon.
Matatandaan na sa Executive Order No. 62 na inisyu ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ay ibinaba ang taripa sa imported rice sa 15% mula 35%, epektibo noong Hulyo.