DAGUPAN, CITY— Nais na malaman ng grupong Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers o ASSERT ang gagawing contingency plan ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa pagtugon nito sa mga paaralan sa mga lalawigan na lubos na naapektuhan ng bagyong Ulysses.

Ito ay kaugnay sa problemang kinakaharap ngayon ng mga grupo ng mga guro sa pagsalba ng mga nabasa o kaya’y inanod na mga modules dahil sa pagbaha at malalakas na hangin na dulot ng naturang bagyo at gayundin na may ilang mga paaralan din umano ang ginawang evacuation center ng mga residenteng apektado ng nabanggit na sama ng panahon.

Ayon kay Randy Alde Alfon, Chaiperson ng naturang grupo, kanyang sinabi na kailangan nilang makita ang gagawing hakbang ng naturang kagawaran sa kinakaharap ngayong suliranin ng mga guro.

--Ads--
Tinig ni Randy Alde Alfon, Chaiperson ng grupong ASSERT

Dagdag pa ni Alfon, dapat sa lalong madaling panahon umano ay mailatag na umano ng DEPED ang kanilang mga plano’t hakbang nang sa gayon ay matugunan ng maaga ang prolema ng mga kaguruaan na apektado ng naturang sakuna.