Dismayado ang grupong Alliance of Concerned Teachers dahil sa nananatiling mababa ang kanilang sahod.
Ayon kay Ramond Basilio, secretary general ng Alliance of Concerned Teachers, matagal nang panahon nasa salary grade 11 pa ang sahod ng mga guro na dapat nasa salary grade 15 na sana kasalkuyan.
Giit ni Basilio na tanging mga guro na lamang ang naiiwan sa antas ng pasweldo sa hanay ng mga propesyunal.
Napag iiwanan ang mga guro kaya napapanahon para itaas ang sahod ng mga ito.
Aniya, mga pulis ang naging prayoridad sa nagdaang admnistrasyon na dapat ay parehas ang pagtrato sa mga kawani at manggagawa sa pamahalaan.
Nanawagan si Basilio sa gobyerno na itaas ang entry salary ng mga guro sa salary grade 15.
Maraming guro ang nagreresign at mas piniling mangibang bansa na imbes na narito lang para makatulong sa pagpapaangat ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.










