Dagupan City – Binigyang diin ni Col Leopoldo T. Babante MI (GSC) PA ang siyang group commander ng 1st regional community defense group ang kahalagahan ng Reserve Officers’ Training Corps o ROTC program.

Sa kaslaukuyan ay mayroong isinasagawa na dvanced rotc academic phase training na binubuo ng 264 incoming sicat class cadets o tinatawag na arap 31 at 32 at bukod dito ay mayroon ding tinatawag na incoming 1st class cadets arap 41 at 42.

Ayon sa kanya na lahat sila ay sumailalim sa 14 days na training.

--Ads--

Ang naturang pagsasanay ay preparasyon para sa kani-kanilang mga responsibilidad bilang mga cadet officers. Ito ay naglalayong paunlarin ang mga kasanayan sa liderato, disiplina, at pagkamakabayan ng mga estudyante, habang nagbibigay din ng mga oportunidad para sa mga benepisyong pinansyal at karera sa militar o gobyerno.

Kaugnay nito ay ang panawagan Col Leopoldo T. Babante ang pagbibigay suporta sa programa na makakatulong sa kumunidad.