DAGUPAN CITY- Isinagawa ngayong araw ang groundbreaking ceremony para sa ipapatayong proyekto na bagong ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa bayan ng Alcala.

Ito na ang pang-15 ospital ng lalawigan na tatawagin bilang Alcala Community Hospital na hindi lang mapapakibabangan ng mga residente sa bayan kundi pati rin bayan ng Bautista, Sto. Tomas at iba pang karatig bayan.

Ayon kay Governor Ramon “Monmon” Guico III na ito ang pang-4 na ospital na ipapatayo sa kanyang administrasyon.

--Ads--

Mayroong itong 50 bed capacity, pharmacy, clinical lab, Dialysis, OB-Gyne, operating room at Diagnostic test gaya ng Ct scan at Xray at iba pa.

Maglalagay din dito ng elevator para sa mga senior at pwd upang hindi na sila mahirapan.

Inaasahan na ito ay mauumpisahan na sa lalong madaming panahon at kapag napatos ang election ban ay maari na itong mabigyan pa ng karagdagang pondo para matapos na sa lalong madaling panahon.