DAGUPAN CITY- Pormal nang sisimulan ang pagpapatayo ng ikalawang Super Health Center project ng Department of Health (DOH) sa Brgy. Malued, lungsod ng Dagupan.

Layunin nito na mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente at maging sa mga kalapit barangay tulad na lamang sa Lasip Chico, Pogo Grande, Pogo Chico, Tapuac, at Lucao.

Ayon kay City Mayor Belen Fernandez na wala dapat napag-iiwanan kaya tinitiyak nila ang pagprayoridad sa kalusugan ng bawat isa sa pamaamgitan ng pagpapatayo ng ikalawang super health center sa syudad.

--Ads--

Anya na malaki ang tulong ng mga barangay officials, barangay volunteers, lahat ng Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholar, Barangay service point officers sa kanilang ginagawang pag-iikot sa bawat barangay upang kumustahin ang bawat residente sa kanilang kalusugan, pagbibigay ng libreng mga gamut at bitamina.

Dagdaga pa ng alkalde na tulad sa barangay Bolosan kung saan nakatayo ang unang super health center ay umabot na sa 2000 libo na mga pasyente bawat buwan ang nakikinabang at naseserbisyuhan ng naturang pasilidad.

Samantala, kabilang sa mga serbisyo ng super health center ay ang medical consultation, dental services, laboratory services, ECG pharmacy (free medicines), at iba pa.