Dagupan City – Naisakatuparan ang mahalagang hakbang sa Bayambang District Hospital matapos ang groundbreaking ceremony ng Hemodialysis Center.
Nakikita naman na magiging realidad na ang matagal nang inaasam na pasilidad na magsisilbing malaking tulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng hemodialysis.
Tinitignan ang Bayambang District Hospital na isang ospital na may malawak na espasyo at nasa isang progresibong bayan na tinitiyak na patuloy itong imo-modernize upang mapabuti ang serbisyong medikal sa komunidad.
Kasama ng groundbreaking, isinagawa rin ang pagbabasbas sa mga bagong kagamitan ng ospital, kabilang ang 32-slice CT-scan, ultrasound, at mga X-ray machines na magbibigay ng mas mataas na kalidad ng serbisyo sa kalusugan.
Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, matutugunan ang pangangailangan ng bawat isa at mas mapapabuti ang buhay nf mga pasyente.
Ang pagtatayo ng Hemodialysis Center ay isang mahalagang hakbang sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa Bayambang at mga karatig-bayan, at tiyak na magiging malaking tulong sa mga kababayang nangangailangan ng dialysis treatment.