Tuloy parin ang isinasagawang checkpoint sa barangay Baloling na isa sa pinakamalaking barangay sa Mapandan Pangasinan na napasukan ng mga baboy mula sa lalawigan ng Bulacan na apektado ng African Swine Fever.

Ayon kay PCapt. Mark Ryan Taminaya , Acting Chief of Police ng Mapandan PNP katuwang ang Bureau of Animal Industry ay mas pinaigting pa nila ang ginagawa checkpoints sa lugar na itinuturing na “ground zero” hanggang sa kasalukuyan.

Sa kabila nito sinabi niya na sa nasabing barangay na lamang sila nagsasagawa ng checkpoint para imonitor ang mga pumapasok at lumalabas na baboy lalo na ang mga tangkang ipuslit.

--Ads--

Matatandaan na mahigit sa 100 na ang isinailalim sa culling process sa mga alagang baboy na hinihinalang apektado ng African Swine Fever (ASF) matapos makapasok ang mga baboy mula sa lalawigan ng Bulacan.