Nagsagawa ng groundbreaking ceremony ang local na pamahalaan ng Lingayen para sa itatayong Legislative Office ng kanilang Sangguniang Bayan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Tinatayang nasa kabuuang 30 milyong piso ang initial funding sa pagpapatayo sa nasabing opisina.

Ang 20 million pesos ay galing sa opisina ni Pangasinan Gov. Ramon “Mon Mon” Guico lll habang ang 10 million pesos ay manggagaling naman kay congressman Mark Cojuangco.

--Ads--

Nakatakdang itayo ang naturang opisina katapat nito ang opisina ng Provincial Social Welfare and Development Office sa Brgy. Poblacion, Lingayen.

Ayon kay Lingayen mayor Leopoldo Bataoil, ang pagsisimula ng konstruksyon nito ay naka base sa timetable ng DPWH at Provincial Engineering kung kailan ito sisimulan.

Malaking pasasalamat naman ni vice mayor Dexter Malicdem dahil matapos kasi serye ng meeting para sa pagpapatayo ng legislative building ay ngayon lang maisasakatuparan.

Tiniyak naman ni Malicdem na ang itatayong opisina ay magagamit ng taong bayan at para magkaroon ng komportableng tahanan ang Sangunian ng bayan.