Pumanaw na ang Grammy-nominated na R&B singer na si Angie Stone, na kilala sa pagtatag ng isang early female rap group na kalaunan ay tumulong sa pagpapalaganap ng neo-soul sound.

Ang singer ay pumanaw matapos maaksidente sa sasakyan noong Sabado ng umaga kung saan siya ay 63 taong gulang lamang.

Ayon sa kinatawan ni Stone na si Deborah R. Champagne, nangyari ang aksidente sa Montgomery, Alabama.

--Ads--

Si Stone at ang mga miyembro ng kanyang banda ay papunta sanang Atlanta matapos mag-perform sa Mobile noong nakaraang gabi kung saan isang 18-wheeler ang bumangga sa sprinter van na sinasakyan ni Stone, na naging dahilan ng pagtilapon nito.

Ang kinikilalang artist ay may nakatakdang performance sa Baltimore para sa CIAA basketball conference.

In-identify naman ng malapit na kaibigan at dating kasamahan sa banda ni Stone, si Gwendolyn “Blondie” Chisolm ng The Sequence, ang kanyang katawan sa isang ospital sa Montgomery, ayon kay Champagne.

Nakatakda sana si Stone na magtungo sa Baltimore para sa isang halftime performance sa CIAA basketball conference noong Sabado ng hapon.

Naiwan naman ni Stone ang kanyang anak na si Diamond Stone at anak na lalaki na si Michael D’Angelo Archer II.