DAGUPAN CITY- Kauna-unahang nag-uwi ng kampeonato ang isang estudyante sa Pangasinan State University Lingayen Campus matapos itong makipagtunggali sa isang international essay competitions.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dexter De Vera, ang nagkampyeon sa Annual Innovation Learning and Education Competition, Essay Competition category, apat sila sa kanilang program/department na lumahok sa essay competition na inorganisa ng Faculty of Teacher Training and Education of Universitas Muhammadiyah Surakarta (UMS) sa Indonesia.
Higit din umano sa 84 competitors mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas at Indonesia ang nakilahok sa naturang kompetisyon.
Aniya, 2 lamang sila sa kanilang unibersidad ang nakapasok sa final round kung saan tinanghal na kampyeon si De Vera.
Kaugnay nito, online ang naging platform ng naturang kompetisyon upang maisagawa ito.
Labis na ikinatuwa ni De Vera ang pagkapanalo dahil maliban sa oportunidad ito para sakaniya na maibahagi ang kaalaman niya sa 4 na taon niyang nasa akademya, ay nag uwi siya ng parangal para sa kanilang unbersidad.
Ibinahagi naman niya na upang makamit ang hinangad na pagkapanalo, nagfocus ito sa tema na “Making Technology and Humanity in harmony for better education”. Para sa kaniya, naipresenta niya ng mabuti ang ipinasang essay sa pamamagitan ng tatlong konkretong puntos, kabilang na ang regulasyon sa paggamit ng AI tools.
Samantala, sinabi din ni De Vera na sa pamamagitan ng ganitong klaseng patimpalak, nakakapag linang ng mga bukas na kaisipan upang makapagpataas ng diskurso sa larangan ng akademya.
Maliban din kase sa naipapamalas ang kagalingan sa pagsusulat, nakakapagbiay din ng estratehiya na makakatulong sa lipunan.
Bukod din sa kompetisyon ito, nabibigyan din ng pagkakataon na magkaisa ang mga nakilahok.
Karagdagang pagbabahagi ni De Vera, importante na alamin ang technicalities ng komeptisyon upang magkaroon ng estratehiya.
Hindi din dapat aniya ito tinuturing lamang na patimpalak kundi isang pagkakataonn upang makibahagi at makiayon sa mga kinakaharap na suliranin, partikular na sa edukasyon.