Patay ang isang grade 8 student matapos na malunod sa ilog sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Dario Baldueza, 14 anyos at residente sa nasabing bayan.

Napag-alaman na pupunta sana sa patahian ang biktima para magpasukat ng isusuot na barong para sa kasal ng kanyang ate.

--Ads--

Sa imbestigasyon ng pulisya, niyaya umano ang biktima ng kanyang mga kaibigan para maligo sa ilog.

Hindi umano siya nagpaalam sa kanyang mga magulang o mga kapatid.

Kuwento ng mga batang kasama niya, nadulas umano ang biktima sa kinatatayuan nito.

Samantala, natagpuang palutang lutang sa Marusay River ang bangkay ng isang lalaki.

Nakilala ang biktima na si Ezekiel Fernandez,47 anyos at residente ng Barangay Dalongi, Santa Barbara, Pangasinan.

Unang napaulat na nawawala ang biktima at natagpuan na lamang ito sa Marusay River.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.