Patuloy ang pangangalap ng ebedensiya ng Asingan PNP matapos ang insedente ng pananaksak sa isang14-anyos na grade 8 student sa loob ng kanilang bahay sa barangay Bobonan sa bayan ng Asingan Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Major Leonard Zacarias, hepe ng Asingan PNP, ang biktima ay naiwang mag-isa sa kanilang bahay at pag uwi ng kaniyang nakatatandang kapatid ay nakita na lamang na nakahandusay at duguan na sa kaniyang kuwarto.

Naiwang nag-iisa ang biktima sa bahay dahil patay na ang kanilang ina at nasa ibang barangay naman ang ama nito.

--Ads--
Police Major Leonard Zacarias, Chief of Police Asingan PNP

Giit ni Zacarias, mayroon na umanong person of interest ang tinututukan ang hanay ng pulisiya bagamat hindi nakukumpirma dahil hindi pa sapat ang kanilang ebidensya.

Dagdag pa ng opisyal, bagaman hindi hubo ang biktima nang matagpuan ay hindi nila isinasawalang bahala ang posibilidad na ito ay nagahasa.

Nagpaalala naman si Zacarias na mag-ingat lalo na pag gabi at huwag hahayaang maiwan mag-isa ang mga kamag anak.

Police Major Leonard Zacarias, Chief of Police Asingan PNP

Kung sakali rin umanong may mga impormasyon ang mamamayan ay ipagbigay-alam agad ito sa mga kapulisan.